National Artist Ricky Lee is set to captivate readers once again with his latest novel, Kalahating Bahaghari. This epic tale promises a poignant exploration of love, family, and the LGBTQIA+ experience, spanning five decades.
Kalahating Bahaghari delves into the complexities of human relationships, showcasing both their beauty and their challenges. Through the eyes of its characters, readers will witness the struggles and triumphs of those who dare to break free from societal expectations.
The novel is scheduled to be released at the Manila International Book Fair on September 14. Pre-orders are now available.
Excerpt mula sa '𝐊𝐀𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀𝐆𝐇𝐀𝐑𝐈'
Nakatayo si Joshua sa bukana ng Pop Up, alas-nuwebe ng gabi. Pinagmamasdan niya sina Mikee, Kring, at Hannah, na umiinom na sa isang bar. Pumasok, walang ingay, ang kaba sa dibdib niya. Umatras siya at aalis na sana. Pero tinawag siya ni Kring, at dali-dali na itong nakalapit, hinihila siya, dinadala sa mesa nila, kinukuwentuhan ng nangyari.
Iniisip ni Joshua, habang nakatingin sa mga kabarkada niya, tama si Abelardo, lahat tayo sooner or later ay magkakaroon ng lihim. Kapag nalaman ba ng barkada ang tungkol sa tunay niyang pagkatao’y tatanggapin pa rin siya ng mga ito?
Sa malayong mesa sa kabila ng hall ay kumakanta ang isang medyo lasing na bakla ng "Born This Way" ni Lady Gaga, habang sinasabayan ito ng mga kasamahan, napakaingay. Si Joshua ang nauna. Lumapit siya at niyakap si Lance. Nagulat ito. Yumakap na rin sina Mikee, Kring, at Hannah. Walang masabi si Lance habang yakap-yakap siya nang mahigpit ng mga katropa, muntik na tuloy silang matumba.
Nanatili silang ganoon nang matagal, magkakayakap, habang di pa rin makapagsalita si Lance. Walang bibitaw, sabi ni Kring. Pinagtinginan na sila ng iba, ano ba itong magkakayakap na ito, maraming minutes na, habang patuloy na kumakanta ang mga baklang lasing, at dumarating ang iba pang mga customer, nakaharang tuloy sila sa mga nagdaraan, pero wala silang pakialam.
Naiisip ni Joshua, ano nga ba ang tropa niyang ito, minsan ay walang mga mapuntahan, minsan ay may problema ang isa, gaya niya, o dalawa, gaya nila ni Lance, minsan ay ni di alam ng lahat ang pinagdadaanan ng bawat isa, minsan nga ay ni di magawang magyakapan nang gaya nito, pero iyong magkakasama sila sa iisang espasyo, iyong nararamdaman nila at naaamoy ang mabahong hininga ng bawat isa, di ba sapat na iyon? Di ba gano’n ang tropa?
"Kalahating Bahaghari" marks Ricky Lee's latest novel, following last year's release of "Lahat ng B." This new work joins his impressive collection of critically acclaimed books, including "Para Kay B," "Si Amapola sa 65 na Kabanata," "Bahay ni Marta," "Trip to Quiapo," and "Kung Alam N’yo Lang."
Read: 6 Notable Screenplays by National Artist Ricky Lee you should watch
Who is Ricky Lee
Ricky Lee, a renowned Filipino writer, has left an indelible mark on the Philippine film industry. Renowned for his poignant and thought-provoking screenplays, Lee has contributed significantly to the golden age of Filipino cinema. His works often explore complex social and political issues, while also delving into the intricacies of human relationships. Lee's contributions to the arts have earned him widespread recognition, culminating in his recent appointment as a National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts.